Pamangkin ni Sen.Leila De lima na may kasong Drug-Trade, Timbog sa NBI!


Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang co-accused at sinasabing pamangkin at umanoy dating aide ni Senator Leila de Lima sa kasong may kinalaman sa illegal drug trade.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, inatasan niya ang mga tauhan ng Special Task Force ng ahensya upang i-serve ang warrant of arrest na inisyu ng Muntinlupa RTC laban kay Jose Adrian Dera, na sinasabing dating aide ni de Lima, sa Angeles City, Pampanga.

Naaresto si Dera ng NBI Pampanga sa kanyang bahay sa nasabing probinsya ayon sa abugado nito na si Raymund Palad.

Ininguso ng National Bilibid Prison inmates at mga umanoy drug lord na sina Hans Tan at Peter Co si Dera na may pakana ng pagkakaaresto ng pamangkin ni Co kaugnay sa droga.

Dagdag pa nina Tan at Co na nanghingi umano ng milyong pera at mga sasakyan kapalit ng paglaya ng nahuling pamangkin ni Co.

Nabatid na dalawang taon nagtago si Dera bago ito tuluyang naaresto kaninang umaga matapos na masabit sa kasong illegal drug trade sa National Bilibid Prison (NBP).

Dadalin si Dera sa NBI Manila HQ.

Sinabi naman ni Ferdie Maglalang, ang chief Media and Communications officer ni de Lima na matagal na nilang pinabulaanan na naging aide ng senadora si Dera. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Source:remate

Loading...
Next
Previous