Leni,Handang maging Pangulo sa bansa!


Sa panayam ng international media company na Bloomberg TV, sinabi ng  bise presidente na sa ngayon ay wala pa siyang planong tumakbo sa  pagkapresidente ngunit bukas siya para rito.

“If you ask me now, I have no plans, but I am leaving everything open,” ani Robredo.

Ayon kay Robredo, marami pang pwedeng mangyari, tatlong taon bago ang presidential elections.

Naniniwala ang pangalawang pangulo na ang pagiging presidente ay  itinadhana at marami sa mga pulitikong sumubok na maabot ang naturang  pwesto ay naghanda ng maraming taon.

“A lot can still happen, and I’ve always said that the presidency is a  destiny. There are so many politicians who have sought the presidency  and have prepared for it for many years,” dagdag ng pangalawang pangulo.

Sinabi pa ni Robredo na handa siyang maging presidente sakaling may  mangyari sa pangulo dahil mandato ito ng bise presidente sa ilalim ng  batas.
Pre-requisite anya ng pagiging bise presidente ang pagiging handang maging pangulo.

“When I ran for the vice presidency, that was one of the  pre-requisites, that I’m ready to be president. Because the mandate of  the Philippine vice president is to take over if anything happens to the  president. So, I would not have run for the vice presidency if I  thought that I was not ready for the presidency,” giit ni Robredo.

Samantala, kumpyansa si bise Robredo na matatapos ang kanyang termino  bilang bise presidente sa kabila ng kinahaharap na electoral protest at  sedition complaint.

Si Robredo, 54 anyos at isang abugado ay pumasok sa pulitika noong  2013 matapos manalo bilang kongresista isang taon matapos ang pagpanaw  ng kanyang asawang si dating interior secretary Jesse Robredo.

Loading...
Next
Previous