Sinabi nito na imbis na tayo ay mag reklamo sa lumalalang traffic sa lungsod, mas mainam na maging pro active nalang tayo at tumulong sa pamahalaan upang masulusyonan ang problema.
“Siguro manawagan tayo sa gobyerno na pagtulung tulongan natin, kasama yung mga employers o mga boss natin, mga business partners, mga kapwa natin empleyado, o co-parent sa schools, na bunuin natin at harapin ang issue na may mindset na puede tayo magawa on our own, na siguro kung pinagsama sama at mabuo ng nakararami eh malaki ang maitutulong na kahit temporary ay maibsan ang bigat ng traffic.” saad ng radio host sa kaniyang facebook post.
Ang mga halimbawa ng kaniyang proposals ay ang pagpapatupad ng 4-day work week kahit pansamantala. At ang pag uwi ng mga trabaho na pwede naman gawin sa bahay o work from home. At ang per schedule na trabaho, na ayon sa kaniya pwedeng per batch ang mga empleyado kung pumasok sa trabaho.
Loading...


0 comments: