Lumutang sa press conference ng Makabayan Bloc sa Kamara ang isa sa mga estudyanteng sinasabing dinukot ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Iprinisinta ng opposition lawmakers ang mag-aaral na si Alicia Lucena mula Far Eastern University (FEU) na anak ng isa sa mga magulang na dumalo sa pagdinig ng senado hinggil sa pag-recruit ng NPA sa mga kabataan.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate Ginagamit lang daw ng militar at kapulisan ang problema sa pamilya ng mga pinadadalo nila sa mga hearing para siraan ang mga progresibong grupo.
''Ang totoo,wala namang 'missing minors'dahil sa wastong gulang na ang mga ito at hindi sila pinilit o kinidnap
Sinamantala lang ng PNP at AFP ang 'di pagkakaintindihan sa pamilya ng mga dumalo sa hearing para manira ng mga progresibong organisasyon at maging tuntungan para sikilin pa ang karapatan mamamayan.
Loading...


0 comments: