Gobyernong Canada,Nagbukas ng 2,000 trabaho para sa mga Pinoy

Kinumpirma  ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nagbukas ng 2,000 trabaho sa  mga Filipino ang gobyernong Canada para sa lalawigan ng Yukon.

Ayon kay Bello, lumagda siya ng isang joint communique kasama ang mga  opisyal ng Yukon para sa deployment ng 2,000 skilled worker na mayroon  pang oportunidad na maisama ng mga manggagawa ang kanilang mga pamilya.

Ang kalihim ay dumalaw sa Canada kamakailan at duon ay nakausap niya  ang mga manggagawang Filipino na aniya ay mauunlad, masaya, respetado,  hindi nakararanas ng diskriminasyon at pinangangalagaan ng Canadian  government.

Ilan sa mga rekisito para sa mga interesadong aplikante ay dapat na  fluent sa English, naaayon ang job degree, at pagsasanay, at physically  at mentally fit.

Aabot din ang suweldo mula P80,000 hanggang P300,000 at karamihan sa  mga bakanteng posisyon na bubuksan sa mga Filipinong skilled worker ay  heavy equipment operator, nurse, cook, chef, engineer, caregiver, call  center agent at iba pang lokal na oportunidad sa trabaho.

Inatasan na ng kalihim si Administrator Bernard Olalia ng Philippine  Overseas Employment Administration (POEA) upang pabilisin ang deployment  ng mga manggagawa sa Yukon, maging ang pagpruproseso ng mga Overseas  Employment Certificate (OEC) para sa mga magtatrabaho sa Vancouver at  Toronto.
Loading...
Next
Previous