Nagpahayag ng suporta si Vice President Leni Robredo para sa underdog Gilas Pilipinas na magrepresenta sa bansa sa FIBA World Cup sa China ngayong Agosto.
Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo na walang tyansa ang Gilas na manalo laban sa Italy, at mas nanaisin niya na pumusta na lamang sa China.
Ayon kay Robredo, lagi naman pinapakita ng mga Pilipino na tunay itong palaban kahit lagi itong dehado sa maraming bagay.
Nagpasalamat ang Pangalawang Pangulo sa mga basketbolista, kabilang sa Gilas, dahil sa pagrerepresenta sa ating bansa.
Nabatid na nasa Spain ngayon ang Gilas para sa kanilang training camp bilang preparasyon sa World Cup.
Kabilang sa line-up ng Gilas ay sina: Andray Blatche, Japeth Aguilar, Keifer Ravena, Mark Barroca, Robert Bolick, Poy Erram, Beau Belga, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, at Matthew Wright.


0 comments: