LOOK |Student activists na nawawala, nasa ligtas na kalagayan ayon sa Youth Groups


Inanunsyo ng ilang youth leaders na ligtas ang tatlong estudyanteng aktibista na napaulat na nawawala ngunit natatakot lamang lumabas dahil sa banta sa kanilang seguridad.

Ang tinutukoy na mga indibidwal ng youth organizations ay ang mga anak ng mga ina na sina Jovita Antoniano, Relissa Lucena, at Luisa Espina na humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Safety kaugnay sa mga nawalang estudyante na umanib sa mga makakaliwang grupo.

Ayon kay Anakbayan spokesperson Alex Danday, nasa ligtas na kalagayan ang mga nasabing estudyante.

Sinabi ni Danday na malaya silang magdesisyon kung ano ang gusto nilang gawin.

Ipinunto ni Danday na nilinaw na ng isa sa mga estudyante na si Alicia na hindi ito dinakip at na-recruit ng mga komunista.

Iginiit ni Danday na natatakot lamang sila lumabas dahil sa sinabi sa Senate hearing na sila ay kukunin pag sila ay lumabas.

Paliwanag ni Danday, dahil ito sa mahabang kasaysayan ng mga pulis at militar ng pagpatay, pangha-harass at pagdukot sa mga aktibista.
Next
Previous