Sen.Hontiveros, Umapela sa mga kapwa senador na ipasa ang SOGIE bill


Umapela si Senator Risa Hontiveros sa mga kasamahan nito sa Senado na suportahan ang sexual orientation, gender identity and expression bill matapos maharap sa diskriminasyon ang isang transgender woman sa isang mall sa Cubao noong Martes ng gabi.

Ibinahagi ni Hontiveros sa kanyang talumpati sa plenaryo ang karanasan ni Gretchen Custodio Diez, na pinosasan at dinala sa poice station dahil sa tangka nito na paggamit sa banyo ng mga babae.

Iginiit ng senadora na maituturing bilang babae ang isang transwoman.

Ipinunto rin ni Hontiveros na nakararanas ng pangha-harass at pangungutya ang transwomem sa mga banyo ng panlalaki.
Next
Previous