Raffy Tulfo,Walang planong pumasok sa politika''“Bakit pa ako maghahanap ng bato na ipupukpok sa ulo?”


Ipinaliwanag ni TV5 broadcaster na si Raffy Tulfo na wala raw siyang balak o plano sumabak sa mundo ng pulitika.

Ayon sa kaniya, mas gugustuhin niya pang tumulong sa mga nangangailangan nating kababayan tulad ng ginagawa niya sa kaniyang sikat na programa na “Wanted sa Radyo” at “Raffy tulfo in Action”.

“Malabung-Malabong mangyari yun, Haping-Happy ako where i am. Bakit pa ako maghahanap ng bato na ipupukpok sa ulo.” sagot ni Raffy Tulfo nang tinanong kung may plano siyang sumabak sa pulitika.

Tinanong rin siya kung ano ang kaniyang masasabi na siya ang pinaka-sikat sa kanilang apat na magkakapatid na broadcasters.

“Hindi naman. Ganun din naman mga kapatid ko. Kaya lang, ako lang siguro ang medyo napapansin sapagkat maraming mga complainants na nagpupunta sa action center natin.” sagot nito.

Ayon sa kaniya, mas naka focus siya sa public service na ginagawa niya sa programa niya sa radyo at telebisyon.

“E, kasi nagku-concentrate ako dun sa public service, So, hindi ko hinahaluan ng commentary, walang halong pulitika, I stick sa public service.” dagdag pa nito.

source:pep
Loading...
Next
Previous