LOVE TRIANGLE |Pananakit ng isang dalaga sa kapwa babae dahil sa isang lalaki viral sa social media


Usap-usapan sa social media ngayon ang pananakit ng isang babae sa isa pang babae matapos umano akitin nito ang kanyang nobyo.

Nakuhanan ng aktwal video kung saan kitang-kita ang pagsapak ng babaeng nakapula sa kausap na dalaga.

Maririnig naman na humihingi ng tawad ang dalaga sa mga akusasyon sa kanya ng babae.

Napaiyak na lamang ang dalaga habang ang isa naman ay nanggagalaiti pa rin sa galit.

Dalawang beses nakatikim ng sapak ang dalaga mula sa babae. Hindi naman napigilan ng lalaki ang babae at patuloy lang sa pananakit.

Batay sa video, ang insidente ay nangyari sa isang pampublikong CR.


Loading...
Next
Previous