Dating DENR Secretary Gina Lopez,Pumanaw na!


Pumanaw na ang dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez sa edad na 65-anyos matapos ang kanyang pakikibaka sa sakit na brain cancer.

Sinabi ng ABS-CBN Foundation, sumakabilang buhay si Lopez matapos ang kanyang pakikibaka sa sakit na brain cancer.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Lopez bilang DENR secretary noong 2016 ngunit hindi ito nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Naging kontrobersyal si Lopez na nakipaglaban sa ilang mga mining companies, lalo pa’t sa kanyang panunungkulan bilang kalihim ay ipinagbawal nito ang open pit mining method sa pagmina ng ginto, pilak, at complex ores dahil umano sa perwisyong dulot nito.

Ipinag-utos din ni Lopez ang pagpapasara sa 23 minahan at pagpapasuspinde sa limang iba pa.

Maliban dito, pinakansela rin ng dating opisyal ang 75 kontrata para sa mining projects na nakatayo sa mga watersheds.

Si Lopez ay tumanggap ng ilan sa matataas na parangal gaya ng International Public Relations Award of Excellence for the Environment noong 1997 at Outstanding Manilans Award for the Environment noong 2009.

Ginawaran din ang yumaong environmentalist ng UNESCO Kalinga Award, na kauna-unahang Southeast Asian na nabigyan ng nasabing parangal dahil sa kanyang educational TV programs.

Nakilala rin si Lopez sa kanyang mga hakbang para sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig sa pamamagitan ng Kapit Bisig para sa Ilog Pasig Project.

Itinalaga rin noon si Lopez bilang chairperson ng Pasig River Rehabilitation Commission noong 2010 ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Kung saan buong tapang siyang nakipaglaban sa mga dambuhalang kompanya ng pagmimina.


Subalit noong 2017 ay hindi pinalad na makumpirma sa puwesto si Lopez.

Sa kabila nito, itinuloy pa rin niya ang kaniyang adbokasiya sa kalikasan, na nagsimula mula pa noong kabataan niya.
Loading...
Next
Previous