Ayon kay SSS President-CEO Aurora Cruz Ignacio umabot na sa P15.63 bilyon na COVID-19 calamity assistance loans ang naaprubahan ng Social Security System (SSS), as of July 28, 2020.
Bukod pa rito, mayroong P190.02 milyon na unemployment insurance benefits (UIB) ang naaprubahan para sa 14,186 na aplikante mula July 1 hanggang 27, 2020.
Simula nang ilunsad ang online filing noong June 15, inaprubahan ng SSS ang higit sa 1.03 milyong applications para sa Calamity Loan Assistance Package (CLAP ).
Dagdag pa ni Ignacio, maaaring mag-apply ng CLAP online hanggang September 14, 2020.
Ang UIB ay isa sa mga probisyon ng Republic Act (RA) No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.
source:
0 comments: