Kim Chiu pinagbabaril ang sasakyan

Pinagbabaril ng anim na beses ang sasakyan ng van ng aktres na si Kim Chiu sa Quezon City ngayong umaga, Miyerkoles.

Sa inilabas na spot report ng Anonas Police Station ng QCPD, nangyari ang insidente alas 6:15 ng umaga kanina.

Ayon naman sa ulat ng drayber nitong si Wilfredo Taperla, lulan ang dalawang gunmen ng motorsiklo na namaril sa bahagi ng Katipunan at CP Garcia sa Diliman patungo sa kanyang taping.

Kwento nito, palabas na sila ng subdivision at nakatigil sa may intersection.

Bigla na lamang umano nagkaroon ang putukan at hindi nila napansin na sila mismo ang target ng pamamaril.

Nang maganap ang pamamaril, kasalukuyang natutulog ang aktres sa likod at agad namang dumapa ang kasama nitong assistant habang sumandal si Taperla.

Nagmula sa kaliwang bahagi ang bala at tumagos sa kanang bahagi ng drayber.

Next
Previous