Former CIDG Chief Magalong drops Albayalde’s name in ninja cops!


Ibinunyag ni dating CIDG Chief at ngayo’y Baguio Mayor Benjamin Magalong ang mga pangyayari noong naganap ang malaking drug raid sa Pampanga noong November 2013.

Sa kaniyang salaysay, inimbestigahan nila ang naturang raid sa Pampanga na noo’y pinamumunuan ni Police Superintendent at ngayo’y PNP Chief Oscar Albayalde nang mabalitaan nagkaroon ng tig-iisang SUV ang mga police na nakasama sa naturang raid.

Kanilang napag-alaman na nasa 200 kilong shabu ang nakumpiska sa radi ngunit 30 kilo lamang ang idineklara ng Pampanga police.

Kasama pa rito ang isang malaking kahapon na naglalaman naman di umano ng drug money.

Ito aniya ang naging dahilan kung bakit naalis sa kaniyang pwesto noon si Albayalde.

Sa karagdagang ulat pa mula kay Magalong, sinabi nitong nakatakas ang Chinese druglord na target ng operasyon na si Johnson Lee ngunit agad rin itong nahuli.

Ganunpaman, kanila aniyang nalaman na nagbayad ito ng P50-million para sa kaniyang kalayaan.
Loading...
Next
Previous