Moreno: Ibalik ang GSIS at NCCA sa Maynila ang Metropolitan Theater!


Hinihimok ni Manila Mayor Isko Moreno ang GSIS at NCCA na ibalik sa pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang Metropolitan Theater dahil sa bigo nilang pagsasaayos muli nito.

“Kung hindi niyo rin naman kayang ayusin, i-maintain, ibigay niyo na lang samin, ime-maintain namin,” ani ng alkalde

“Let's be honest: 100 taon na ang Philippine cinema... The fact remains, bulok pa din ang Metropolitan Theater,” dagdag niya

Ika ng alkalde na wala umanong problema kung libre o may bayad ang pagbalik ng Metropolitan Theater sa pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

“It doesn't matter if they ask money from us or libre,” ani niya. “From one pocket of the government lang 'yan to another. Wala namang kikitang private individual.”

Kapag naibalik na nag Metropolitan Theater ito ang magiging venue ng mga 'cultural shows' na magaganap sa administrasyon ni Mayor Isko na sa ngayon ay binubuhay ang mga kasaysayan at tradisyon ng Maynila.

“We will think of something to revive it, with the help of our friends in showbiz,” ani ng alkalde.

“Totoong madumi at dugyot ang Maynila, but our heritage and our history is something others cannot take away from this city,” ani niya “I will invest on that.”
Loading...
Next
Previous