Inamin ni BUCOR officer Buño na nag-uusap sila sa text ni Camilon, na biktima ng "GCTA for sale!


Inamin ni Bureau of Corrections officer 3 Veronica Buño na nag-uusap sila sa text ni Yolanda Camilon, na biktima ng "GCTA for sale" sa ahensya.

prinisinta ni NBI director Dante Gierran ang ulat ng forensic examination ng mga mobile phones nina BuCor Senior Insp. Ma Benilda Bansil at BuCor Officer 3 Veronica Buño sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay sa umano’y korupsiyon sa BuCor.

Ayon kay Gierran, lumitaw sa resulta ng pagsusuri na noong February 21, 2019 ay nakatanggap ng text messages si Yolanda Camilon, asawa ng isang inmate, mula kay Bansil at Buño hinggil sa isang transaksiyon.

Wala naman aniya silang napigang tala ng tawag mula sa cellphone ni Buño dahil ito ay protektado ng password.

Dahil dito, paulit-ulit na idinidiin ni Senador Dick Gordon si Buño sa katanungan kung siya ba ay nakikipag-usap kay Camilon ngunit patuloy itong itinatanggi ni Buño.

Bagaman inamin ni Buño na nagte-text siya kay Camilon ay iginigiit niya na hindi ito nakikipag-usap sa kanya at hindi niya personal na kilala si Camilon.

Kasunod nito ay pinahintulutan ni Gordon ang NBI na mayroong nakahandang ‘warrant for examination of data from a court’ para ipagpatuloy ang pagsasagawa ng forensic examination sa cellphone ni Buño.


Loading...
Next
Previous