Mariing tinutulan ng ilang mga Senador ang plano ni Interior Sectretary Ed Año na ibalik ang anti-subversion law; isang batas na nagsasabing isa ka nang kriminal sa oras na sumapi ka na sa Communist Party of the Philippines.
Nangako si Senate Minority Leader Frank Drilon na haharangin niya maging ang kapwa niya mga mambabatas para ito ay maibalik sa Kongreso.
Aniya, hindi niya papayagang maalala ang 18th Congress sa pagrevive ng mga patay nang panukala gaya na lamang ng death penalty.
Imbis na ibalik ang naturang panukala, bakit hindi na lamang daw magpatupad ng mas mabigat na batas para labanan ang terorismo.
Giit ni Drilon, ang pagre-revive sa batas ay malaking paglabag sa karapatan ng isang indibidwal.


0 comments: