Naging nakagawian ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pag iikot sa Manila tuwing hating gabi. Na kung saan nadatnan niya ang mga tricycles na nakaparada sa malapit na Ospital ng Maynila medical center.
Dismayado ang Mayor sa mga nakatalaga sa Manila Police District Station 9 na maabutan niya na walang ginagawa tuwing pagsapit ng madaling araw.
Nakita rin ng alkalde ang mga natutulog sa sidewalk kasama ang mga kanilang tricycle na kung saan sinabi nito na napakapanghi na ng lugar.
Mas lalo nagalit ang alkalde ng malaman nito na isang kanto lang ang layo mula sa MPD-9 station na kung saan hindi pinapansin o ikiikot ng mga police tuwing hating gabi.
“Isang kanto lang sa kanila hindi sila makapag pagtrabaho, gigisingin ko lang ang mga dugo niyo,” saad ng alkalde ng Manila sa mga nakatalaga na police sa MPD 9 station na naabutan niya na walang ginagawa.
“Halika ituturo ko sa inyo kung paano mag trabaho, katabi ninyo lang hindi ninyo maayos,” dagdag pa nito.
“Isang bloke lang sa inyo yan pero hindi niyo makita? o wala nalang kayong pakialam? Ang panghi panghi hindi ninyo naamoy?” saad pa nito.
Mas lalo pa nagalit ang alkalde nang malaman nito na walang official sa istasyon. “Eh sino kayong lahat kayo dito puro kayo tolongges?”
Loading...


0 comments: