Babaeng walang binti di umano pinapapasok sa BIR-Calbayog


Naging viral ang social media post ng isang babaeng walang mga binti na hindi umano kaagad pinapasok ng security guard sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue sa Calbayog City, Samar dahil umano sa direktiba na bawal papasukin ang mga makikipagtransaksyon nang naka-shorts.

"Sabi pa ni Boroc, ipinost niya ang kaniyang karanasan para maibahagi ang nararanasan ng mga person with disability na katulad niya. Wala raw siyang balak na magreklamo tungkol sa nangyari dahil ayaw din niyang palakihin ang isyu.


Unang nag-post si Nancy Boroc sa kaniyang Facebook account tungkol sa insidente.

Aniya, sa guard house pa lang ay sinabihan na umano siya ng guwardya na bawal ang naka-short sa loob batay sa bagong memorandum ng tanggapan.

Bagaman may kasama umano si Boroc, siya ang kailangang pumasok sa tanggapan dahil sa kaniya nakapangalan ang SPA (special power of attorney) para sa nilalakad nilang dokumento para sa kaniyang kapatid.



Next
Previous